A Travellerspoint blog

JC is testing my F.A.I.T.H.

My soul searching experience

Honestly, I'm not that religious. Siguro pinanganak na akong ganito but as far as I remember lageh naman kami nagsisimba nung mga bata pa kami, but then again I recall kaya madali ako ayain because it is Sunday so meaning "Jollibee" day. After namen magsimba sa Sto. Domingo Church for sure walang palya yan derecho kami sa SM North Edsa para kumain sa Jollibee at panoorin ang Kwarta o Kahon. Wow parang ang tanda ko na pala. Then nung lumipat kami Cavite hindi ko na maalala kung saan kami nagsisimba or nagsisimba ba ako (kapag birthday ko lang pla). Opinyon ko kasi kahit naman saan pde mo kausapin si JC, pwde ka magpasalamat, humingi ng tulong kahit kailan. Hindi yun maaalala mo lang Siyang kausapin kapag Linggo. Ayaw ko naman mag mass kasi un ieexplain ng pari based un sa pag-aaral nia at minsan based din un sa pagintindi nia as a person. So nagtry ako magbasa ng bible at hindi ko talaga naintindihan (or ayaw ko lang intindihin). Aminado ako kapag may kailangan ako at nakakaramdam ng kaba kakausapin ko Siya after matapos nun wala na tsaka ko na lang ulit Siya maaalala kapag may problema ako.

But lately (mga ilang weeks lang ang nakakaraan), hindi ko alam kung ano nangyari at bigla na lang ako naghanap ng sariling paniniwala. Pilgrimage ba. harhar. Dahil ba sa may kailangan ako? Dahil gusto ko na matapos ang sakit na nararamdaman ko? Hindi ko din alam eh. Hindi ko din alam ang sagot. Although meron naman talaga ako faith kaso lang hindi ganun katibay. Masyado kasi ako matalino at sarili ko lang pinapaniwalaan ko eh.

Mga ilang months na din ang nakakaraan ng pumunta kami (actually napadaan lang) sa Tierra de Maria (Haven of Meditation and Enrichment) sa Tagaytay. At that time may gusto akong mangyari sa career ko so taimtim akong nagdasal. Actually may process yun una meron un popular na titigan mo un "four dots" tapos kapag pumikit ka makikita mo c JC then may prayer. Pagpasok mo sa mismong chapel, meron dun the usual lalagyanan ng "Holy Water". Next stop is "OUR LADY OF GUADALUPE", tapos "JESUS CHRIST IN CRUCIFIX" and "OUR LADY OF MANAOAG" bawat saint may special prayer and instruction sa tabi nia na nakaframe. After ng pagdadasal at paghiling meron parang petition corner, susulat ka tapos dadasalan bago mo ihulog sa dropbox ksama ng iyong donation tinatawag nila yata itong W.I.S.H. So un nga more dasal ako that time and after that day pagpasok ko sa office nagulat ako ng ichat ako ng aking boss at sinabing he want me for the position. So Iwas so happy that day and plan to go back to Tagaytay the next Saturday. Unfortunately hindi ako nakabalik until lately lang nung may hiling na naman ako but this time I know meron purpose kung ano man yun hindi ko pa din alam and until now hindi pa din malinaw ang lahat.

Pero kung ano man ang purpose nito hindi ako susuko at aalamin ko ng bongga... to be continued...

Posted by Pnayvagabonds 22:07 Archived in Philippines Tagged tagaytay pilgrimage tierra_de_maria jesus_christ soul_searching

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Be the first to comment on this entry.

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint